Biyaya at Bunga
Biyaya at Bunga: Unli Rice 2. Ito ang titulo ng ikalawang aklat ng Unli Rice. Iyong una’y binubuo ng 180 mensahe na kung seryoso mong pinagbulay-
bulay at in-apply sa iyong buhay, siguradong nagkaroon ka ng 180-degree turn o ganap na pagbabago sa iyong pananaw at estilo ng pamumuhay. Siguradong nabusog ka.
Ipagpatuloy mo ang seryosong pagbubulay-bulay sa bagong 180 mensaheng nilalaman ng ikalawang aklat na ito. Ngunit ngayon, tataas nang isang antas ang iyong layunin kung bakit mo gagawin ito—hindi lamang para magkaroon ka ng personal na kabusugan, kundi para magamit ka ng Panginoon bilang instrumento upang busugin ang iba.
Biyaya at Bunga—ito ang iyong dakilang misyon. Habang ginagawa mo ito, isang bagay ang matutuklasan mo. Habang galante mong ibinabahagi sa iba ang iyong kabusugan, hindi ka magugutom, kundi lalo ka pang mabubusog. Hindi ka magkukulang, kundi lalo ka pang madaragdagan.
Kaya, sulong! Kumain ka at mabusog! Mabusog sa biyaya at busugin sa bunga ang iba! Ito ang magpapatuloy sa tinatawag na cycle of blessing, hanggang sa ang masaganang pagpapala ng Diyos ay maranasan ng lahat ng tagasunod ni Jesus.