FAMILY LIFE 101
Pamilya ngayon. Paano bukas?
Sa araw ng kasal, ang lahat ay maligaya. Pero ngayong mga araw na ito, ang nasa isip ng ilan: Hanggang kailan?
Hindi na alintana na ang dating nakikita lang sa ibang bansa, halos pangkaraniwan na rin ngayon sa ating bayan. Ang kinasal ngayon, ilang buwan o taon lang, hiwalay na.
Hindi naman talaga madali na ang dalawa ay mamuhay bilang isa. Hindi rin madali maging mabuting magulang. Ang sabi nga nila, wala naman daw tunay na paaralan para sa buhay pamilya.
Buti na lang may mga eksperto sa pagpapamilya! Ang mga batikang counselor sa radyo, mababasa nyo na. Sa FAMILY LIFE 101, tinatalakay ng kilalang marriage counselor na si “Kuya Clem” Guillermo at ng child development and education specialist na si “Mommy Bessie” Rios ang mga biblikal at praktikal na panuntunan at advice para sa masayang relasyong mag-asawa at buhay pamilya.
Napakaganda ng plano ng Diyos para sa mga pamilya. Sa tulong Niya,
ang relasyong mag-asawa at buhay pamilya ay for life! Halina’t mag-aral at
matuto sa FAMILY LIFE 101!