Gabay Ni Tatay
Ang paggabay ng isang mapagmahal na ama (o magulang) ang isa sa pinakamainam na hinahangad ng kahit sino.
Tunay na malaking pagpapala ang makaranas ng ganitong pagpapalaki mula sa murang pag-iisip hanggang sa pagsarili sa mundo. Anu-ano ang maibabahagi ng isang anak na biniyayaan nang ganito?
Kayo ma’y matagal nang magulang, nagsisimula pa lang o nais maging magulang, may mapupulot kayong aral sa
Gabay ni Tatay: Mga Kuwento ng Paglaki sa Pamilyang
Naglilingkod ni Beth Mortiz Flores.
Bagamat naiiba ang buhay sa pananampalataya ng pamilya ni Ebanghelista Paul Mortiz, pangkaraniwan ang mga pagsubok at hamon na hinarap nila mula sa pagkabata ni Beth hanggang sa pagtatag ng sarili niyang pamilya.
Hanapin ang iyong sarili sa mga karanasang mababasa sa librong ito. Higit sa lahat, kilalanin ang Diyos, ang pinakadakilang Tatay, na matagal nang nagmamahal sa iyo at sabik na magbigay sa iyo ng gabay!