THE FINE ART OF SHARING RECEIVING CHRIST
SHARING CHRIST
Nilikha ng Diyos ang tao at binigyan ng buhay upang makapiling nya sa habang panahon. Ano ang ginawa ng tao? Lumabag siya sa utos ng Dios, nagkasala, inilayo ang sarili. Sa kabila nito, gumawa ang Dios ng paraan, nagpatawad at nagbigay sa tao ng panibagong pagkakataon. Subalit muling sumama nang sumama ang tao. Since then, the Lord has been continnuosly doing salvation work. Through cleansing, nilinis nya ang sangkatauhan. Hinayaan ang napakaraming taongnalayo sa kanya na malunod sa baha sa panahon ni Noah. Iniligtas nya ang isang pamilyang matuwid na siya ring pinagmulan ng maraming taong lumiko din ng landas.
RECEIVING CHRIST
Ang isang gawaing lubhang mahalaga gawin ng tao ay ang magbalik-loob sa Dios, tanggapinang Panginoon sa kanyang buhay – ang Panginoong Hesus, ang Dios Ama natin sa langit, at ang kanyang Espiritu. Kung pinaghahandaan natin yung pagdalo sa napakaraming reception na imbitadotayo, higit namang dapat paghandaan ang pagtanggap sa Panginoon; hindi lamang yung minsanang pagtanggap sa kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas, kundi yung patuloy na pagtanggap sa kanyang pagtuturo at pagtutuwid sa atin at pagpapayaman ng ating espiritu.