top of page
Till DEBT Do Us Part sa Wikang Filipino

Till DEBT Do Us Part sa Wikang Filipino

₱300.00Price

CHINKEE TAN’S
Usapang Pera, Utang,
at Badyet Para sa
Pamilyang Pinoy


Bawa’t tao ay may pagkakataon at kakayahang mag-ipon o mag-impok, nguni’t ang problema nga lamang ng karamihan ay di nila alam kung paano. Maaaring ito’y dahil sa kulang sila sa disiplina o kulang sa kaalaman sa paghawak ng pera, kaya madaling maubos ang kanilang kinikita. Marami tayong maiisip na dahilan kung bakit napakahirap mag-ipon.  Ngunit ito ang natutunan ko sa buhay. “Kung gusto, makakagawa ng PARAAN, kung ayaw maraming DAHILAN!”
  

 Naniniwala ako na pwedeng makamit ang kalayaang pampinansiyal o tinatawag natin na financial freedom. Ito ang aking adhikain at pangitain. Higit pa rito, umaasa ako na makita ko ang maraming tao na lumaya mula sa kanilang suliraning pananalapi sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang kaisipan at pananaw tungkol sa pera, at maging epektibo at responsible sa pamamahala ng kanilang kabuhayan.

Quantity
bottom of page