Unli Rice 3
Unli Rice 3. Ito ang titulo ng ikatlong aklat ng Unli Rice. Ang araw-araw na pagbubulay sa Salita ng Diyos ay hahantong sa pinagpala at mabungang buhay. Kung araw-araw kang kakain ng pagkaing espiritwal, mananatiling malakas at malusog ang iyong espiritu. Hindi ka basta-basta magagapi ng tukso’t kasalanan. Kung sa pagkaing pisikal ay may junk foods, pakaingat sapagkat maaari ka ring makakain ng mga junk foods para sa iyong kaluluwa. Ito’y ang mga babasahíng kikiliti sa iyong mga senses, ngunit sisira sa iyong kalusugang espiritwal. Sa kabilang banda, ang mga pagkaing espiritwal na nilalaman ng Unli Rice 3 ay siguradong mabisa, sapagkat hango ang mga prinsipyo, alituntunin, at gabay sa Salita ng Diyos. Kailangang sundin ang mga ito hindi lamang upang manatiling malusog kundi upang gumaling ang mga sugat at kirot ng damdamin.